April 20, 2025

Home BALITA National

Easterlies, patuloy na magdadala ng mainit na panahon sa PH – PAGASA

Easterlies, patuloy na magdadala ng mainit na panahon sa PH – PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB screengrab

Inaasahang patuloy na magdadala ang easterlies ng maalinsangang panahon sa bansa ngayong Linggo, Abril 20, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa ulat ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, iniulat ni Weather Specialist Daniel James Villamil na bukod sa mainit na panahon, may tsansa pa ring makaranas ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Davao Occidental, Davao Oriental, at Sarangani bunsod ng easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Posible ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahan ding magdudulot ang easterlies ng mainit na panahon na may tsansa ng ilang mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

National

Kristo gawing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay—Romualdez

Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).