Tila hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ng bashers ang Kapamilya singer-dancer at former celebrity housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na si AC Bonifacio.
Sa isang Instagram story ni AC noong Sabado, Abril 19, ibinahagi niya ang screenshot ng mensaheng ipinadala sa kaniya ng isang netizen.
Anito, “Ac plastik lumayas kana sa pbb tska sa mundo para mabawasan mga taong katulad mo. Problematic!!!”
“Ulol mamatay ka na ac sana masagasaan ka ng truck,” dugtong pa ng netizen.
Cool naman itong sinagot ni AC sa text caption ng kaniyang IG story.
"Wait lang, Ate, may pangarap pa po ako. Darating din tayo dyan pero baka matagal pa. Iiwas nalang ako sa truck," sabi niya.
Matatandaang sa isang panayam ay minsan na ring nagsalita si AC kaugnay sa mga pambabatikos na natanggap niya nang pumasok sa Bahay ni Kuya.
MAKI-BALITA: AC Bonifacio, nag-react sa mga pambabatikos