April 19, 2025

Home SHOWBIZ

Ralph De Leon, napagbintangang kinuha itlog ni Klarisse De Guzman

Ralph De Leon, napagbintangang kinuha itlog ni Klarisse De Guzman
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Entertainment

Nasakdal si Duti-ful Judo-Son ng Cavite Ralph De Leon matapos mapagbintangang siya umano ang kumuha sa itlog ni Kwelang Soul Diva ng Antipolo⁠ Klarisse De Guzman.

Sa isang episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” kamakailan, nagsagawa pa ang housemates ng mala-press conference upang matukoy ang “salarin” sa likod ng “krimen.”

“Anong pakiramdam, Ralph, na dalawang itlog ang nakain mo kahapon?” natatawang tanong ni Vince Maristela.

“Correction po, Mr. Press, tatlo po,” saad ni Ralph. “Just to be clear po  to the press, to the public, 'yong breakfast po 'yong itlog ko po 'yong kinain ko.”

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Dagdag pa niya, “No'ng lunch time, binigay po ni AZ and binigay po ni Mika 'yong tig-isang itlog. Kaya kung may ina-assume po kayo na ako 'yong nagnakaw ng itlog these past few days, hindi po ako 'yon.”

Hindi naman nagpahuli si Klarisse dahil game niyang sinakyan ang biruan ng mga kapuwa housemates.

 “Sasangguni na ako mamaya sa pulisya ni Kuya at hihingi ako ng record ng CCTV,” aniya.