Usap-usapan ng mga netizen ang hula ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin tungkol daw sa dalawang beteranang artista at dalawang kilalang mang-aawit ang magpapaalam na sa mundo.
Kumakalat sa social media ang screenshot ng Facebook post ni Rudy noong Marso 11, 2025.
Bahagi ng post, as is published, "MAHALA[GA] SA LAHAT ANG KALUSUGAN. ME NAKITA AKONG DALAWANG BETERAN NA ARTISTA AT DALAWANG KILALANG MANG-AAWIT ANG MAGPAPAALAM NA SA MUNDO NATIN."

Bukod sa kanila, mababasa rin sa post na may vision din ang manghuhula na mga politiko at TV host na maaaksidente at masasawi rin.
Nakarating naman sa kaalaman ni Rudy ang usap-usapan sa kaniyang hula, at ibinahagi ito.
Mababasa sa post ng netizen, "Dalawa ito sa mga kilalang artista at mang aawit beteranang maituturing talaga na maitatatak natin sa mga puso't isip natin nakakalungkot na halos magkasunod ang kanilang pag panaw REST IN PEACE nakikiramay ang lahat sainyong pagpanaw . Rudy Baldwin isa po ito sa mga navision nyo na sobrang nakakalungkot sa industriya ng showbiz ."
Ang tinutukoy ng netizen ay si Asia's Queen of Songs Pilita Corrales na namaalam na noong Sabado, Abril 12.
KAUGNAY NA BALITA: Pilita Corales—Asia’s Queen of Songs, pumanaw sa edad na 85
Ang isa naman, si National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor, na namayapa naman, gabi ng Miyerkules Santo, Abril 17.
Hindi naman kinumpirma ni Rudy kung tama ba ang mga tinukoy ng netizen, subalit caption niya sa kaniyang post, "ISA AKO SA MGA TAGA HANGA NILA MULA NUN PAMAN .SA GALING NILA SA PAG ARTE AT PAG AWIT .TAOS PUSO AKONG NAKIKIRAMAY SA PAMILYA NILA MISS PILITA CORALES AT MISS NORA AUNOR .ANG INYONG PANGALAN AT GALING AY MANATILI SA BAWAT PUSO NG INYONG MGA TAGAHANGA NYO .R.I.P MGA IDOL."
