April 19, 2025

Home SHOWBIZ

Hilda Koronel, ibinunyag na may project pa sana sila ni Nora Aunor

Hilda Koronel, ibinunyag na may project pa sana sila ni Nora Aunor
Photo courtesy: Hilda Koronel/Lotlot De Leon (IG)

Isa sa mga nalungkot sa pagpanaw ni National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor ang isa pang premyado at batikang aktres na si Hilda Koronel.

Batay sa tribute ni Hilda sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes Santo, Abril 17, nalungkot daw siya sa balitang pumanaw na si Ate Guy na kamakailan lamang daw ay kausap pa niya para sa isang bagong project.

"I’m very saddened by ate guys passing..we were discussing a project with her just before i left for home with direk Adolfo [Alix, Jr.].my deepest condolences to her loved ones and rest in peace now ate guy you are now home with our Lord.what a big loss to our industry..but you will never be forgotten ," aniya.

Kalakip ng post ang isang video clip mula sa kanilang pelikula.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Makikita naman sa comment section ang komento ng direktor, na naghandog din ng tribute pra sa kaniya.

Pumanaw ang premyadong aktres, gabi ng Miyerkules Santo, Abril 16.

MAKI-BALITA: Nora Aunor, pumanaw na sa edad na 71