May 09, 2025

Home BALITA National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo
Photo courtesy: Liza Marcos (FB)

Ibinida ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang larawan nila nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at mga anak na sina Joseph Simon at William Vincent habang nakabakasyon sa Suba Beach sa Ilocos Norte ngayong Huwebes Santo, Abril 17.

"Boodling our hearts out on our anniversary day! ," caption dito ni FL Liza.

Photo courtesy: Liza Marcos (FB)

Hindi naman makikita sa larawan si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.

Matatandaang nauna nang magpaabot ng pagbati si PBBM para kay FL Liza sa kanilang 32nd anniversary.

National

CBCP, nanawagan sa mga mananampalatayang ipagdasal si Pope Leo XIV

Aniya, "Tomorrow is our 32nd anniversary. I’m still mystified how my wife, Liza, has managed to put up with me for so long without going insane."

"Thank you for your love, patience and strength. I love you, dear! "

MAKI-BALITA: PBBM 'mystified' pa rin kay FL Liza, may sweet message sa 32nd anniv nila

Sa comment section ay bumaha naman ng pagbati ang mga netizen para sa kanilang dalawa.