Isang 4.0-magnitude na lindol ang tumama sa lalawigan ng Catanduanes nitong Huwebes ng madaling araw, Abril 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:24 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 90 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Baras, Catanduanes, na may lalim na 29 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.