April 16, 2025

Home BALITA Metro

Single mom, patay matapos araruhin ng kotse; anim na anak, naulila

Single mom, patay matapos araruhin ng kotse; anim na anak, naulila
Photo courtesy: Makati City Police via GMA news

Patay ang isang 40 taong gulang na single mom matapos tumbukin ng isang SUV ang kaniyang direksyon habang naglalakad pauwi sa Makati City.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News noong Martes, Abril 15, 2025, nakuhanan ng CCTV sa lugar ng insidente, kung saan tinatayang nasa limang katao pa umano ang nasapul na inararo ng itim na SUV.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Makati City Police na isa umanong security guard ang nagmamaneho ng naturang sasakyan na lingid daw sa kaalaman ng may-ari nito.  

“Nag-ask siya [sekyu] sa mother ko kung iuurong niya yung sasakyan. Sabi ng mother ko, 'huwag, antayin mo yung anak ko or tawagin mo yung anak ko.' Kaso nag-insist yung security na marunong naman daw siya. Matagal na daw siyang driver,” anang may-ari ng sasakyan sa panayam sa kaniya ng media. 

Metro

Estudyanteng pauwi galing graduation practice, patay matapos malunod sa ilog

Ayon pa sa imbestigasyon, tila hindi umano marunong gumamit ng awtomatikong sasakyan ang nasabing security driver dahilan upang humarurot ito at makabundol ng ilang indibidwal sa daan.

“Sa tingin natin ay hindi niya alam imaneho [ang SUV na automatic] dahil sabi nung security guard na nagmaneho, pag-release pa lang ng lever ng handbrake, ito'y umandar na, padiret-diretso,” anang pulisya. 

Samantala, hustisya naman ang sigaw ng mga kaanak ng nasawing biktima matapos niyang maulila ang kaniyang anim na anak. 

Nasa kustodiya na mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damage to properties.