April 16, 2025

Home SHOWBIZ

Respeto sa sarili, 'di nasusukat sa piraso ng tela sey ni Xyriel Manabat

Respeto sa sarili, 'di nasusukat sa piraso ng tela sey ni Xyriel Manabat
Photo Courtesy: Screenshots from PBB (YT)

Nausisa ang dating child star na si Xyriel Manabat kaugnay sa biggest misconception ng tao patungkol sa kaniya.

Sa isang episode kasi ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” noong Martes, Abril 15, nagsagawa ng “press conference” ang mga naunang housemates sa pagpasok ni Xyriel kasama si Kapuso Sparkle artist Shuvree Etrata bilang bagong housemate sa Bahay ni Kuya.

Ayon kay Xyriel, “Feeling ko, ang biggest misconception sa akin is just because of the way I dress or express myself sa pananamit. Feeling ng tao wala akong self-respect.”

“For me, hindi nasusukat ‘yong respeto ko sa sarili ko sa piraso ng tela. Para sa akin, kahit gaano ko ka-confident o kakomportable sa skin ko, hindi mo masasabi na hindi ko nirerespeto ang sarili ko,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Andre Paras, niresbakan content creator na minalisya ang kapatid niya

Matatandaang sa kaniyang isang social media post noong Oktubre 2024 ay binuweltahan ni Xyriel ang isang nagkomentong body shamer. 

MAKI-BALITA: 'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Pinatutsadahan din niya sa pamamagitan ng isang cryptic post ang mga umano’y matatandang bastos.

MAKI-BALITA: Xyriel Manabat, may cryptic post tungkol sa matatandang bastos