May simpleng mensahe si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa 32nd anniversary nila ni First Lady Liza Araneta-Marcos, bukas ng Huwebes, Abril 17.
Ngunit Miyerkules, Abril 16, ay may pa-sweet message na si PBBM para kay FL Liza, kalakip pa ang collage ng mga larawan nila.
Aniya sa kaniyang Facebook page, "Tomorrow is our 32nd anniversary. I’m still mystified how my wife, Liza, has managed to put up with me for so long without going insane."
"Thank you for your love, patience and strength. I love you, dear! "
Sa comment section ay bumaha naman ng pagbati ang mga netizen para sa kanilang dalawa.