Binulabog ng pamamaril ang isang videoke bar sa Santa Barbara, Iloilo matapos umanong magkainitan ang dalawang lalaki dulot ng pag-cancel sa kani-kanilang mga kanta sa karaoke.
Ayon sa ulat ng GMA Integrated News noong Martes, Abril 15, 2025, naunang magsimula ang alitan sa videoke matapos patayin at ikansela ng suspek ang kinakantang entry ng biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon na gumanti umano ng biktima nang i-cancel din nito ang kinakantang entry ng suspek. Bunsod nito, bumunot na raw ng baril ang suspke ang pinaulanan ng bala ang biktima na nagtamo ng apat na tama sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan, dahilan upang tuluyan siyang bawian ng buhay.
Wala rin umanong nakikitang ibang motibo ang mga awtoridad sa naturang krimen, lalo pa’t wala raw iba pang hidwaang namagitan sa suspek at biktima.
Samanta, tinutugis na ng pulisya ang suspek na kasalukuyang nagtatago.