April 16, 2025

Home BALITA Probinsya

Lolang bibili ng pagkain ng graduating na apo, nabundol ng truck; patay!

Lolang bibili ng pagkain ng graduating na apo, nabundol ng truck; patay!
Photo courtesy:contributed photo

Patay ang isang 66 taong gulang na lola na retired teacher sa Iloilo matapos siyang mabundol ng 10-wheeler truck sa Pototan, Iloilo. 

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Abril 16, 2025, iniwan umano ng biktima ang kaniyang apo sa parlor na noo’y nag-aayos na para sa kaniyang graduation. Bibili lang daw ng pagkain ang lola sa isang fast food chain nang masagasaan siya ng truck.

Depensa naman ng driver, hindi raw niya napansin ang pagtawid ng biktima. 

Samantala, nagawa pang maisugod sa ospital ang matanda kung saan idineklarang kritikal ang kaniyang kondisyon matapos magtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan at fracture sa binti ngunit binawian din siya ng buhay.

Probinsya

DepEd Antique, nagsalita tungkol sa principal na 'tumalak' sa graduation rites

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver at pahinante ng truck habang hinihintay pa kung magsasampa ng kaukulang kaso ang pamilya ng biktima.