Patay ang isang babaeng estudyante matapos tangayin ng rumaragasang ilog sa Pagalungan, Maguindanao.
Ayon sa mga ulat ng ilang regional news outlets noong Martes, Abril 15, 2025 papunta na sana ang biktima sa kanilang paaralan nang bigla umanong lumakas ang daloy ng tubig sa ilog, dahilan upang siya ay matangay at malunod.
Ilan oras din umano ang inabot ng rescue operation bago natagpuan ang kaniyang bangkay. Pawang mga tsinelas na lamang daw ng bata ang nakita sa tabing ilog.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang paaralan ng biktima. Habang nagbabala rin ang lokal na pamahalaan sa Pagalungan, hinggil sa pagtawid sa naturang ilog.
Samantala, matatandaang noong Abril 3 nang maiulat na may dalawang taong gulang na batang lalaki ang nalunod at namatay sa nasabing ilog.