April 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Umepal din noon? Bira ni Kitkat kay Gene Padilla, 'Di ka naman pala invited kasi!'

Umepal din noon? Bira ni Kitkat kay Gene Padilla, 'Di ka naman pala invited kasi!'
Photo courtesy: Kitkat (FB)/Gene Padilla (IG)/Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Usap-usapan ang pasaring na Facebook post ng komedyanteng si "Kitkat" sa komedyanteng si Gene Padilla matapos lumabas ang panayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz kay Marjorie Barretto kamakailan.

Nagsalita na si Marjorie dahil sa lumalaking isyu ng pag-rant ng estranged husband na si Dennis Padilla hinggil sa pagtrato raw sa kaniya bilang "guest" lamang at hindi "father of the bride" sa kasal ng anak nilang si Claudia Barretto, sa longtime boyfriend nitong si Basti Lorenzo.

KAUGNAY NA BALITA: Dennis kay Claudia, mga anak: 'Sana sinabi n'yo na lang 'di ako part ng entourage!'

Matapos ang lagpas-dekada, bukod sa pagsagot ni Marjorie sa mga isyu tungkol sa kasal, binasag na rin ng aktres ang matagal na pananahimik hinggil sa mga detalye kung bakit sila naghiwalay ni Dennis.

Tsika at Intriga

Benjie Paras, nagsalita sa isyung hiwalay na sina Kyline Alcantara, Kobe Paras

KAUGNAY NA BALITA: Marjorie Barretto, bumwelta kay Dennis: ‘My kids’ trigger is their father!’

KAUGNAY NA BALITA: Marjorie Barretto, pinabulaanang nilalayo niya ang mga anak kay Dennis Padilla

KAUGNAY NA BALITA: Marjorie, sinapak ni Dennis kahit kapapanganak lang: 'Nawala 'yong eardrum ko!'

Dito ay naibahagi ni Marjorie ang umano'y physical at verbal abuse na naranasan niya sa ama ng mga anak.

Kinastigo rin ni Marjorie ang kapatid ni Dennis na si Gene Padilla, na nagpunta sa kasal kahit hindi naman daw imbitado. Bukod kasi kay Dennis, naglabas din ng sama ng loob si Gene kaugnay raw sa naranasan nila sa nabanggit na kasal.

KAUGNAY NA BALITA: Gene Padilla, dismayado sa pamangkin sa 'di pagsama kay Dennis sa wedding entourage

KAUGNAY NA BALITAGene Padilla kinuyog ng netizens; may pagkuda, 'di naman daw pala invited sa kasal

Ibinahagi naman ni Kitkat ang isang post ng social media page patungkol dito.

Batay sa Facebook post ni Kitkat noong Abril 13, mukhang may "history" rin siya kay Gene dahil daw "umepal" ito sa kaniya noon, bagama't hindi na niya idinetalye kung anong nangyari at sitwasyon noon.

Mababasa sa post, as is published, "Sorry di ko napigil… tawang tawa lang ako dito…. "

"FYI : wala ako paki sa mga eksena… natawa lang ako kasi nasopla si gene…"

"Di ka naman pala invited kasi Gene hahahah…"

"well sakin umepal ka din dati, ikaw na pinag simpatyahan ko…..,"

"pero gumatong at nakipag kampihan ka pa dun sa umaway sakin! Hahaha katatanda at kalalaki nyong tao pinagkaisahan nyo ko!"

"Tsk tsk tsk.."

"P.S. DI KO MAKAKALIMUTAN YUN AT BUNTIS NA AKO NON! Hilig nyo manakit ng damdamin ng Babae, Bata, ng Kapwa!"

"Makanuod nga nung movie na 'UNINVITED'" aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Kitkat (FB)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Gene tungkol dito.