Inamin ng aktor, basketball player, at social media personality na si Shan Vesagas na espesyal para sa kaniya ang "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" Kapamilya housemate na si Esnyr, nang matanong siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Lunes, Abril 14.
Si Shan, ay naging "leading man" na ni Esnyr sa isa sa mga content nito sa social media.
"To some extent Tito Boy. As friends," giit ni Shan, nang matanong ni Boy kung "nahulog" ba siya sa nabanggit na social media star.
"I fell in love with Esnyr's drive. 'Yong ano niya kasi online… Esnyr is a comedian, jolly, but outside very much may substance talaga siya lalo na kapag kausap in life and we carried our relationship from the series up into personal. So na-in love ako sa ugali niya, sa pamilya niya, sa mga kaibigan niya," pahayag ni Shan.
Nilinaw naman ni Shan na magkaibigan sila ni Esnyr, at "No" naman ang sagot niya nang matanong ni Boy kung handa ba niyang "pakasalan" ang kaibigan kung sakaling mauwi nga sa romantic relationship kung anuman ang meron sa kanila.
Samantala, kasama naman ni Esnyr sa PBB House ang isa pa nilang nakasama sa high school series na si Brent Manalo.