Usap-usapan ng mga netizen ang naging umano'y reaksiyon at komento ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz laban sa aktor at senatorial candidate na si Philip Salvador.
Isang video kasi ni Philip ang kumalat online kung saan mapapanood dito na pinangungunahan niya ang taumbayan sa pagsigaw ng "Bring Him Home!"
Ang panawagang ito ay isinisigaw ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos dakpin ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 11 dahil sa kasong "crimes against humanity," kaugnay pa rin ng war on drugs ng kaniyang nagdaang administrasyon.
Tila nakarating kay Gloria ang nabanggit na video at nagkomento sa comment section ng "Yung anak mo padalan mo ng pera!"

Tila ikinatuwa naman ito ng mga netizen at ibinahagi sa social media ang naging panunupalpal ng beauty quee-actress kay Philip.
Si Philip, ay dating karelasyon ni Queen of All Media Kris Aquino, at ama ng panganay niyang si Josh.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Philip o ni Gloria tungkol dito. Si Philip ay tumatakbong senador sa 2025 National and Local Elections (NLE) sa ilalim ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.