April 16, 2025

Home BALITA Metro

Bus company na sangkot sa aksidente noong Lunes Santo, sinuspinde ng LTFRB

Bus company na sangkot sa aksidente noong Lunes Santo, sinuspinde ng LTFRB
Photo courtesy: Mark Henry Santos/FB, LTFRB AND DOTR logo via wikipedia

Inapbrubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang suspensyon na pinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa bus company na sangkot sa aksidente sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City noong Lunes ng gabi, Abril 14.

Matatandaang noong Lunes Santo nang sumalpok ang isang bus sa isang closed van habang sinusubukang iwasan umano ang dump truck. 

Sa ulat ng Super Radyo dzBB nitong Martes, Abril 15, inabuprahan umano ni DOTr Secretary Vince Dizon ang naturang suspensyon. 

Dagdag pa ng ulat, ang bus company ay bumibiyahe sa rutang Manila-Pampanga. 

Metro

Estudyanteng pauwi galing graduation practice, patay matapos malunod sa ilog

Ayon naman sa isa sa mga pasahero, mabilis daw ang takbo ng bus bago sila sumalpok sa closed van at truck.