Opisyal nang inendorso ni Vice President Sara Duterte si re-electionist Senadora Imee Marcos para sa 2025 midterm elections.
Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Lunes, Abril 14, mapapanood ang campaign video kung saan kasama niya ang bise-presidente.
"Iboto si Senator Imee," saad ni VP Sara sa huling bahagi ng video.
Matatandaang pinag-usapan kamakailan ang larawang ibinahagi ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap kung saan makikitang magkasama sina Sen. Imee at VP Sara.
MAKI-BALITA: Endorso? Larawan nina VP Sara, Direk Darryl, at Sen. Imee, usap-usapan
Suspetsa ng ilan, ieendorso ng bise-presidente ang senadora lalo na’t kumalas na ang huli sa senatorial slate ng kapatid nitong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas