Nagbigay ng reaksiyon ang basketball player-comedian na si Benjie Paras kaugnay sa intrigang kinasangkutan ng anak niyang si Kobe Paras na hiwalay na umano sa jowa nitong si Kyline Alcantara.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Linggo, Abril 13, pinabulaanan ni Benjie ang tungkol sa kumalat na intriga.
“Sila pa rin,” saad umano ni Benjie sa pamamagitan ng Viber message.
Pero hindi raw nito alam kung bakit may mga binurang picture sina Kyline at Kobe sa kani-kanilang Instagram account.
Sabi ni Benjie, “Hehehe. Ewan ko sa kanila. Magkasama lang kami, nag-inuman pa, e.”
Hiningan din umano ng PEP ang kampo ni Kyline at ang tugon nito ay okay naman daw ang dalawa.
Matatandaang nagsimula ang intrigang hiwalay na sina Kyline at Kobe nang mapansin ng ilang fans na burado ang ilang pictures nila sa Instagram nang magkasama.
MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras hiwalay na nga ba?
Hanggang ngayon, wala pang inilalabas na tugon o pahayag ang dalawa. Ngunit sa gitna ng intriga ay ibinahagi ni Kyline ang cover version niya ng “You’ll Be In My Heart” ni Phil Collins.
MAKI-BALITA: Matapos ang intrigang hiwalay na kay Kobe: Kyline, napakanta