Inamin ni Kapuso Sparkle artist at Miss Sunuring Daughter ng Cebu AZ Martinez na hiwalay na raw siya sa jowa niyang si Larkin Castor bago pa man siya tumuntong sa Bahay Ni Kuya.
Sa isang episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” noong Sabado, Abril 12, sinabi ni AZ na medyo on-and-off na raw ang relasyon nila ni Larkin.
“Three years na po kaming magkakilala [ni Larkin]. Nag-start kami as best friends; within the two years, naging kami po, and bago po ako pumasok [sa PBB], medyo on-and-off na po kami. Ilang beses po kaming nag-break,” lahad ni AZ.
Ayon sa kaniya, noong birthday daw niya, ilang linggo bago siya maging opisyal na housemate ni Kuya, nakipag-break na raw sa kaniya si Larkin.
“Wala namang relasyon na perpekto, pero gusto ko lang 'yong relasyon na nakakaintindi sa mga gusto kong gawin. May times po kasi, Kuya, na nararamdaman ko na naho-hold back ako dahil sa relasyon namin,” ani AZ.
Dagdag pa niya, “Ramdam ko na ang dami kong kailangan i-let go o hindi gawin dahil masyado lang akong tutok sa kaniya. And same din po para sa kaniya; ginawa niya rin po 'yon para sa akin.”
Matatandaang naging kontrobersiyal si AZ matapos niyang umamin na crush daw niya ang kapuwa niya housemate na si Dustin Yu.