Tatlong sasakyan ang nagkarambola sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Linggo ng umaga, Abril 13, 2025, kung saan dalawa ang kumpirmadong patay at pitong katao naman ang isinugod sa ospital.
Ayon sa ulat ng Super Radyo DZBB 594khz, kabilang ang isang traditional jeepney, modern jeepney at sedan ang sangkot sa naturang insidente. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng aksidente.
Samantala, ayon naman sa kumpirmasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, pawang pasahero umano ng traditional jeepney ang naiulat na nasawi matapos itong bumaliktad sa kahabaan ng eastbound lane.
Habang isinusulat ang artikulong ito, pawang ang driver pa lamang ng traditional jeepney ang nasa kustodiya ng mga awtoridad.