April 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sa gitna ng isyu ng pamilya: Dennis Padilla, napakanta na lang

Sa gitna ng isyu ng pamilya: Dennis Padilla, napakanta na lang
Photo Courtesy: Gene Padilla (FB)

Tila idinaan na lang ng komedyanteng si Dennis Padilla sa pagkanta ang isyung kinasangkutan ng kaniyang pamilya matapos ang kasal ng anak niyang si Claudia Barretto.

Sa isang Facebook reels ni Gene Padilla noong Sabado, Abril 12, mapapanood na kumakanta si Dennis sa videoke ng “Kung Kailangan Mo AKo” ni Rey Valera.

Umani ang video ng ilang reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang kanilang mga komento:

"Ramdam Kita Boss"

Tsika at Intriga

Benjie Paras, nagsalita sa isyung hiwalay na sina Kyline Alcantara, Kobe Paras

"Walang naman iyakan nakakahawa ka koyang dens"

"good afternoon mga Lodi

HAYMABU"

" dito lang po ako mga tito "

"Enjoy lng po and then move on po yaan nyo un mga basher"

Matatandaang lumikha ng ingay kamakailan sa social media ang naging posts ni Dennis patungkol sa hindi umano niya pagkakaroon ng parte bilang magulang sa kasal ng anak na si Claudia.

KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'

Samantala, matapos ito ay bumwelta na rin ang estranged wife ni Dennis na si Marjorie Barretto sa pamamagitan ng isang panayam.

MAKI-BALITA: Marjorie Barretto, bumwelta kay Dennis: ‘My kids’ trigger is their father!’