April 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos ang intrigang hiwalay na kay Kobe: Kyline, napakanta

Matapos ang intrigang hiwalay na kay Kobe: Kyline, napakanta
Photo Courtesy: Kyline Alcantara, Kobe Paras (IG)

Tila idinaan na lang sa pagkanta ni Kapuso actress Kyline Alcantara ang tsikang hiwalay na sila ng basketball player na si Kobe Paras.

Sa latest Instagram post ni Kyline noong Sabado, Abril 12, mapapanood ang cover version niya ng “You’ll Be In My Heart” ni Phil Collins.

“Here’s for you Little Kyline. You’ll Be In My Heart. Always. Hang in there, we’ve achieved some of the things we are only dreaming of. I will take care of you” saad ni Kyline sa caption.

Umani naman ng suporta at pagmamahal mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Janno Gibbs pumalag, minura mga umookray na 'enabler' siya ni Dennis Padilla

"i know that little kyline is so proud of how far you’ve come today ‍"

"I love you @itskylinealcantara "

"I love youu, proud of you "

"Love you, mare! "

"Your real fans are always supporting you Ky! Stay strong and God bless and more success "

"You sing so well, Kyline!! "

Matatandaang nagsimula ang intrigang hiwalay na sina Kobe at Kyline nang mapansin ng ilang fans na may post umanong binura ang dalawa nang magkasama.