April 14, 2025

Home BALITA Probinsya

Lolo na kakaretiro pa lang sa pagiging taxi-driver, patay matapos mabundol

Lolo na kakaretiro pa lang sa pagiging taxi-driver, patay matapos mabundol
Photo courtesy: Freepik

Patay ang isang 65 taong gulang na lolo matapos siyang mabangga ng sasakyang minamaneho ng umano’y nakaidlip na driver sa Baguio City.

Ayon sa ulat ng TV Patrol noong Sabado, Abril 12 , 2025, naglalakad malapit sa kanilang bahay ang biktima na noo’y bibili raw sana ng tubig nang bigla tumbukin ng isang pick-up truck ang kaniyang direksyon. Bahagya umanong tumilapon ang katawan ng matanda sa isang pader matapos niyang subukang umilag sa paparating na sasakyan.

“Binabagtas po ng driver yung kahabaan ng Marcos Highway nung allegedly is nakaidlip po siya kaya-encroach niya yung kabilang lane wherein tumatawid naman yung biktima,” ani PMAJ. Mary Grace Marron sa media.

Bagama’t umabot pa raw sa ospital ang biktima, binawian din siya ng buhay. Ayon sa mga kaanak niya, halos 40 taong taxi driver ang biktima na kailanman ay hindi raw nasangkot sa kahit na anong aksidente sa kalsada. 

Probinsya

Isang taong gulang na bata, patay matapos tuklawin ng ahas nang 6 na beses

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.