April 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Janno Gibbs pumalag, minura mga umookray na 'enabler' siya ni Dennis Padilla

Janno Gibbs pumalag, minura mga umookray na 'enabler' siya ni Dennis Padilla
Photo courtesy: Janno Gibbs (IG)/via Fashion Pulis

Inalmahan ng singer-actor na si Janno Gibbs ang bashing sa kaniya ng netizens dahil sa kaibigang si Dennis Padilla, sa isyu ng pagpapahayag nito ng pagkadismaya, na "guest" lamang siya sa kasal ng anak nila ng dating asawang si Marjorie Barretto, na si Claudia Barretto.

Kinuyog ng mga netizen si Janno nang magkomento siya ng tatlong crying emojis sa Instagram post ni Gene Padilla, kapatid ni Dennis.

Narito ang ilan sa masasakit na salitang pinakawalan ng netizens laban kay Janno, na karamihan, ay tinawag siyang "enabler" o konsentidor:

"bwesit manahimik ka!"

Tsika at Intriga

Benjie Paras, nagsalita sa isyung hiwalay na sina Kyline Alcantara, Kobe Paras

"Enabler!"

"enabler moves"

"nangungunsinti na naman"

Pero sinunog naman ni Janno ang bintang sa kaniya ng mga netizen. Aniya, nakikisimpatya lamang siya sa kaibigang malungkot. Pinatikim din niya ang isang malutong na mura sa kanila.

"Nakikisimpatya lang sa kaibigan."

"mga put@ngin@nyo. Wala nmn ako sinabing sang ayon ako. Malungkot ang kaibigan ko, nakikisimpatya lang ako. Emoji lang, enabler na?"

"Hindi ko siya pinagtatanggol, mga ulol. Dinadamayan ko lang sa kalungkutan. Mga tanga," aniya, na may kalakip pang emoji ng "dirty finger."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dennis hinggil sa mga pasabog laban sa kaniya ni Marjorie, sa pamamagitan ng panayam ni Ogie Diaz.