April 17, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gene Padilla kinuyog ng netizens; may pagkuda, 'di naman daw pala invited sa kasal

Gene Padilla kinuyog ng netizens; may pagkuda, 'di naman daw pala invited sa kasal
Photo courtesy: Gene Padilla (IG)

Katakot-takot na bash ang natanggap ng komedyanteng si Gene Padilla matapos ibunyag ng aktres na si Marjorie Barretto na hindi raw siya imbitado sa kasal ng anak na si Claudia Barretto, nang makapanayam siya ni Ogie Diaz hinggil sa isyu ng pagiging "guest" lamang ni Dennis Padilla sa kasal ng sariling anak, at hindi kasama sa wedding entourage o kahit sa programa.

Matatandaang sa Instagram post ni Gene noong Miyerkules, Abril 9, ibinahagi ni Gene ang pagkadismaya niya sa mga nangyari dahil sa noon lamang daw siya naka-witness ng isang kasal na ang tatay ng bride ay "guest" lamang.

"Napaluha at napaiyak si kuya sa mga nangyari...kaya sabi ko umuwi na tayo after ng simbahan at papicture na lang sa kinasal...naawa din ako sa nanay ko kasi naiyak na rin... naramdaman ko yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama din ako... ang tagal na panahon na nanunuyo at nahingi ng atensyon ama niyo sa inyo mga anak..." bahagi ng kaniyang post.

"yan ba itinanim ng mga nakapaligid sa inyo.... puro kayo karangyaan at kasikatan... sa inyo na lahat yan... sanay kami sa hirap at di talaga kami nababagay sa inyo... pero pinag kaiba batin yung puso namin at dignidad di niyo kaya pantayan...kahit magtanong kayo sa ibang magulang tama ba o mali ang ginawa niyo sa tatay niyo??? Dennis Dominguez Padilla Cheeni Taa Samuel Baldivia di pala father of the BRIDE! Guest of the BRIDE!!!" aniya pa.

Tsika at Intriga

Andre Paras, niresbakan content creator na minalisya ang kapatid niya

Ngunit sa panayam nga ni Marjorie kay Ogie, matapos kay Dennis, dito ay sinabi niyang hindi raw invited si Gene sa nabanggit na kasal.

Kaya naman, binuweltahan ng mga netizen si Gene sa comment section ng kaniyang Instagram post.

"HINDI KA NAMAN PALA INVITED! PUPUNTA PUNTA KA! SANA NATULOG KA NALANG!!!!"

"Oo nga. Lakas magbash di naman pala invited or close the bride."

"I hope na i cut- off kayo permanently nila julia and siblings kasi deserve nyo yun puro kahihiyan lang inaabot nila."

"TOXIC NIYONG MAGKAPATID!!! IMBIS NA PRIVATE ANG WEDDING PINAGPYESTAHAN DAHIL SA INYO!!!!"

"The bride clearly wants to have a peaceful and low-key wedding but here u are!!!!"

"NANG CRASH KA LANG PALA NG KASAL EH IKAW PA MAY GANA MAGALIT..."

KAUGNAY NA BALITA: Gene Padilla, dismayado sa pamangkin sa 'di pagsama kay Dennis sa wedding entourage

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Gene tungkol dito.