April 15, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

First time! Sue, umangkas sa big bike ni Dominic pa-Baguio

First time! Sue, umangkas sa big bike ni Dominic pa-Baguio
Photo Courtesy: Dominic Roque (IG)

Tila may bagong core memory na maiipon ang celebrity couple na sina Dominic Roque at Sue Ramirez.

Sa isang Instagram reels kasi ni Dominic noong Sabado, Abril 13, flinex niya ang unang big bike ride ni Sue patungong Baguio.

"Her first Baguio big bike ride! @sueannadoodles" saad ni Dominic.

Komento naman ni Sue, “Thank you for keeping me safe .”

Relasyon at Hiwalayan

AZ Martinez, hiwalay na sa jowa bago pa man pumasok sa Bahay Ni Kuya

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"So happy for you Dom may OBR ka na sa mga rides. "

"CUTIEEEESSSS MAGMAHALAN KAYO FOREVER!!!! "

"ingat po kayo papa doms"

"Waiting po sa second po "

"Eyy! Backpack na ang prinsesa "

"Praying forever n kau Babies n soon hehe"

Matatandaang sa isang magkahiwalay na panayam noong Disyembre 2024 ay kinumpirma nina Dominic at Sue ang real-score sa pagitan nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, Sue Ramirez nasa dating stage na!