April 19, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dee makalaya? Enchong, sinariwa alaala nila ni Erich

Dee makalaya? Enchong, sinariwa alaala nila ni Erich
Photo Courtesy: Enchong Dee (TikTok)

Usap-usapan ang tila pagre-relapse ni Kapamilya actor Enchong Dee sa alaala nila ni Erich Gonzales.

Sa latest TikTok post kasi ni Enchong noong Sabado, Abril 12, ibinahagi niya ang serye ng mga larawan nila ni Erich nang magkasama habang nakalapat ang kantang “Multo” ng Cup of Joe.

“#throwback with my ‘day ” saad ni Enchong sa caption 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

"enchong dee-makalaya"

"sa ganda ba naman ni erich gonzales, kahit ako hindi makaka move on"

"baccla hindi ka naka dump account"

"Feeling ko nalasing to tas nag relapse"

"UHM SIR MAMAYANG 10 PM PA ANG SCHED NG RELAPSE?!?!?!?"

"literal na ghinost tayo ni Erich hahahaahahahahhaa"

"parang au character na nakalimutan mag switch acc "

Matatandaang hindi pa natatagalan nang lumutang ang larawan ni Erich na may kargang bata sa isang simbahan na ang hinala ng netizens ay anak nito.

MAKI-BALITA: Erich Gonzales, may anak na nga ba?

Nagsimulang magkasama sina Erich at Enchong sa TV series na “Katorse”noong 2009. Nasundan pa ito ng ilang proyekto tulad ng Paano Ko Sasabihin” (2009), “I Do” (2010) at “Once a Princess” (2014). 

Sa kasalukuyan, kasal na si Erich sa negosyanteng si Mateo Lorenzo samantalang si Enchong naman ay nananatiling single.