February 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Cryptic post ni Julia Barretto laban sa 'narcissist' at pa-victim, usap-usapan

Cryptic post ni Julia Barretto laban sa 'narcissist' at pa-victim, usap-usapan
Photo courtesy: Julia Barretto (IG)

Hinuhulaan ng mga netizen kung para kanino ang makahulugang posts ng aktres na si Julia Barretto patungkol sa "narcissist" na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram stories.

Kung babasahin, mukhang may pinariringgang magulang si Julia dahil tungkol ito sa isang "narcissist" na tao sa kaniyang kids o mga anak.

Aniya, "A narcissist doesn't care about being a good parent – they just care about looking like one."

"To a narcissist, the kids are just pawns in their war to break you."

Sa isa pang hirit, sinabi niyang favorite role ng isang narcissist ay maging "victim."

Tsika at Intriga

Kylie kapag tumakbong VP ang erpat na si Sen. Robin: 'Aalis na ako ng Pilipinas!'

"A narcissist's favorite role? The victim. Because it distracts from the damage they caused."

Photo courtesy: Screenshots from Julia Barretto (IG) via Fashion Pulis

Bagama't walang tinukoy na pangalan, timing naman ang nabanggit na cryptic posts sa pinag-usapang himutok ng amang si Dennis Padilla matapos na umano'y itratong guest lamang sa kasal ng kapatid na si Claudia Barretto.

KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, suko na sa mga anak, baka sa 'kabaong' na siya huling makita

Agad namang nagsalita ang ina nilang si Marjorie Barretto at naglabas ng mga pasabog laban kay Dennis.

KAUGNAY NA BALITA: Marjorie Barretto, bumwelta kay Dennis: ‘My kids’ trigger is their father!’

KAUGNAY NA BALITA: Marjorie, sinapak ni Dennis kahit kapapanganak lang: 'Nawala 'yong eardrum ko!'

Sa kabila ng mga ingay, nananatiling tahimik sa isyu si Claudia at ang mister na si Basti Lorenzo. Wala pa ring tugon, reaksiyon, o pahayag si Julia tungkol dito.