April 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Marjorie, sinapak ni Dennis kahit kapapanganak lang: 'Nawala 'yong eardrum ko!'

Marjorie, sinapak ni Dennis kahit kapapanganak lang: 'Nawala 'yong eardrum ko!'
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), Dennis Padilla (IG) via PEP

Isiniwalat ng aktres na si Marjorie Barretto na humahantong umano sa pisikalan ang away nila ng dating asawang si Dennis Padilla.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Huwebes, Abril 11, sinabi ni Marjorie ang pinakamalalang pananakit na ginawa umano ni Dennis sa kaniya.

“The biggest physical abuse that he did to me was when Julia was a few days old. Kakapanganak ko pa lang sa kaniya. Galit siya sa akin, parang I complain about something,” lahad ni Marjorie.

Dagdag pa niya, “Naglalakad ako. [...] papasok ng kwarto. From the back, he hit me so hard in my ear. Lumipad talaga ako. Kasi ‘di ka nakailag, e. Talagang nawala ‘yong eardrum ko.”

Relasyon at Hiwalayan

Puso ni Priscilla Meirelles, sarado na; 'di na makikipagbalikan kay John Estrada

Kaya sumailalim daw sa isang operasyon si Marjorie dahil sa ginawang pananakit ni Dennis sa kaniya. Hanggang ngayon, pinagdurasahan niya ang epekto nito. 

“Everytime I have colds, dito [sa tenga] lalabas. Everytime my kids see that, they reminded what [their] father is. Dennis has a very explosive temper,” aniya.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, pinabulaanan ni Marjorie na inilalayo niya ang loob ng mga anak niya kay Dennis.

MAKI-BALITA: Marjorie Barretto, pinabulaanang nilalayo niya ang mga anak kay Dennis Padilla

Matatandaang lumikha ng ingay kamakailan sa social media ang naging posts ni Dennis patungkol sa hindi umano niya pagkakaroon ng parte bilang magulang sa kasal ng anak na si Claudia.

KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'

Pero bago pa man ito ay matagal nang isinasapubliko ni Dennis ang mga sentimyento niya sa kaniyang mga anak para makuha ang atensyon ng mga ito.