April 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Marjorie may payo sa mga single woman: 'You choose well kasi ayan ang magiging tatay ng mga anak mo'

Marjorie may payo sa mga single woman: 'You choose well kasi ayan ang magiging tatay ng mga anak mo'
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Nagbigay-payo si Marjorie Barretto sa mga single na babae na naghahanap ng kanilang future partner, na base sa kaniyang pinagdaanan.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz na inilabas nitong Biyernes, Abril 11, nagsalita na si Marjorie upang depensahan umano ang kaniyang mga anak laban sa kanilang ama na si Dennis Padilla, kasunod ng isyu matapos ikasal ang anak nilang si Claudia.

BASAHIN: Marjorie Barretto, bumwelta kay Dennis: ‘My kids’ trigger is their father!’

KAUGNAY NA BALITA: Marjorie Barretto, pinabulaanang nilalayo niya ang mga anak kay Dennis Padilla

Tsika at Intriga

Kyline Alcantara, Kobe Paras hiwalay na nga ba?

Sa dulong bahagi ng panayam, ibinahagi ni Marjorie ang naging payo niya sa mga anak niyang babae at aniya ito rin ay payo niya sa mga kababaihan.

"When you have boyfriend na red flag na talaga, isipin mo kung ikaw kaya mo ito, he will be the future father of your children. So, you choose well. You choose someone na dapat tinitreat well ka na kasi ayan ang magiging tatay ng mga anak mo," saad ni Marjorie.

"Kung may nakita nang bad temper, huwag mo nang pakasalan kasi ang papaluin niyan, ang sisigawan niyan, ang painful words niyan doon sa magiging anak ninyo," dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na nag-sorry daw siya sa mga anak niya dahil sa pagpapakasal kay Dennis.

KAUGNAY NA BALITA: Marjorie, sinapak ni Dennis kahit kapapanganak lang: 'Nawala 'yong eardrum ko!'

"Sometimes I really apologized to my kids kasi sabi ko, I left the marriage, I have the luxury to leave their father [pero] sila they're stuck for life. I'm so sorry, I chose wrong," ani Marjorie. 

Matatandaang gumawa ng ingay sa social media ang naging posts ni Dennis patungkol sa hindi umano niya pagkakaroon ng parte bilang magulang sa kasal ng anak na si Claudia.

KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, suko na sa mga anak, baka sa 'kabaong' na siya huling makita

KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'