April 13, 2025

Home SHOWBIZ

Marjorie Barretto, pinabulaanang nilalayo niya ang mga anak kay Dennis Padilla

Marjorie Barretto, pinabulaanang nilalayo niya ang mga anak kay Dennis Padilla
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Itinanggi ng aktres na si Marjorie Barretto na siya umano ang dahilan kung bakit malayo ang loob ng mga anak niya kay Dennis Padilla, na ama ng mga ito.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Biyernes, Abril 11, sinabi ni Marjorie na hindi raw totoo na bine-brainwash niya ang kaniyang mga anak laban kay Dennis.

“Mula bata pa ang mga anak ko, bago kami maghiwalay, 18 years ago…tuwing hinihiram niya ang mga anak ko, para sa kaalaman ng lahat ng tao and as God is my witness, ako ang sinisiraan niya sa mga anak ko,” saad ni Marjorie.

“Dennis,” pagpapatuloy ng aktres, “‘wag mo ‘tong ide-deny ever because ang lagi mong sinasabi tuwing susunduin niya ang mga anak ko, ‘Paglaki n’yo, I will tell you what your mom did to me.’”

Relasyon at Hiwalayan

Puso ni Priscilla Meirelles, sarado na; 'di na makikipagbalikan kay John Estrada

Pero wala raw itinago o sinabing kasinungalingan si Marjorie sa kaniyang mga anak. Kaya nang lumaki ang mga bata, kinairitahan na lang umano ng mga ito ang umano’y sasabihin ni Dennis tungkol sa ginawa umano ni Marjorie sa kaniya.

“Dennis forgetting that they grew up in a household na palagi kaming nag-aaway. Bago ko naman iniwan si Dennis mga 14 years na akong nagtitiis,” dugtong pa ni Marjorie.

MAKI-BALITA: Marjorie Barretto, bumwelta kay Dennis: ‘My kids’ trigger is their father!’

Matatandaang gumawa kamakailan ng ingay sa social media ang naging posts ni Dennis patungkol sa hindi umano niya pagkakaroon ng parte bilang magulang sa kasal ng anak na si Claudia.

KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, suko na sa mga anak, baka sa 'kabaong' na siya huling makita

KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'