Binasag na ni Marjorie Barretto ang kaniyang katahimikan upang depensahan umano ang kaniyang mga anak laban sa kanilang ama na si Dennis Padilla, kasunod ng isyu matapos ikasal ang anak nilang si Claudia.
KAUGNAY NA BALITA: Dennis kay Claudia, mga anak: 'Sana sinabi n'yo na lang 'di ako part ng entourage!'
Sa interview na ibinahagi ni Ogie Diaz sa kaniyang opisyal na YouTube channel noong Biyernes, Abril 11, 2025, tahasang nilinaw ni Marjorie ang pinagdaanan umano niya at ng kaniyang mga anak kay Dennis.
Kuwento ni Marjorie, bagama't may mga pagkakataong may hindi sila pagkakaunawaan ng kaniyang mga anak, agad din daw nila itong naaayos dahil sa pagmamahal na namamagitan sa kanila. Bagay na malayo raw sa relasyon ni Dennis sa kanilang mga anak.
"Pero kung kausap nila ang tatay nila once a year at sisigawan n'ya at mumurahin n'ya ang mga anak ko sa telepono. Nanginginig yung mga anak ko eh. Ogie, my kids' trigger is their father,” ani Marjorie.
Dagdag pa niya, “His voice alone, nanginginig sila. It's not my story to tell, it's my children to tell. Years of therapy 'yan. There are so many things hindi n'yo alam na pinagdadaanan namin diyan kay Dennis.”
Pinuna rin ni Marjorie ang kabi-kabilang pa-interview ni Dennis sa national TV, na nakakaapekto raw sa kanilang mga anak.
“Sa tingin mo ba bawat pa-interview n'ya sa'yo ilang beses, kina Julius Babao, lahat ng mga interview n'yang ganiyan, we go back to zero. My children go back to the pain.”
Matatandaang gumawa ng ingay sa social media ang naging posts ni Dennis patungkol sa hindi umano niya pagkakaroon ng parte bilang magulang sa kasal ng anak na si Claudia.
KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, suko na sa mga anak, baka sa 'kabaong' na siya huling makita
KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'
Matapos pagpiyestahan ng netizens ang dapat sana'y intimate at pribadong buhay ni Claudia, tila isang pahaging naman na Instagram post ang iniwan ni Dani Barretto para sa kaniyang kapatid.
KAUGNAY NA BALITA: Dani sa kasal ni Claudia: 'Don’t let anything or anyone dim the light of this moment!'