April 13, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaki, tinaga live-in partner dahil hindi pinahiram ng cellphone

Lalaki, tinaga live-in partner dahil hindi pinahiram ng cellphone
Photo courtesy: contributed photo

Patay ang isang 20 taong gulang na babae matapos siyang tagain ng kaniyang live-in partner na 27-anyos sa Zamboanga Sibugay.

Ayon sa mga ulat, nauwi sa pananaga ng suspek ang away nila ng biktima nang hindi umano siya nito pinahiram ng cellphone. 

"Lumapit siya sa asawa niya para manghiram ng cellphone, and then, hindi siguro pinahiram, nagkaroon sila ng konting pagtatalo.," ani Police Regional Office-Zamboanga (PRO-9) spokesperson Shellamie Chang sa panayam ng media. 

Lumalabas din sa imbetigasyon na galing umano sa inuman ang suspek nang mangyari ang krimen.

Probinsya

'Green-influencer' Celine Murillo, umalma sa panghihimasok ng 96 guwardiya sa Sitio Marihangin

Hindi rin umano inaaalis ng mga awtoridad ang umano'y selos na motibo ng suspek dahil sa alegasyong may ka-video call daw ang biktima kaya't hindi niya pinahiram ang naturang cellphone. 

Samantala, matapos ang pananaga sa kaniyang kinakasama, isang kapitbahay din ang umano'y naka-engkwentro ng suspek at inundayan ng saksak, dahilan upang ito'y masugatan.

"Nagkaroon naman siya ng parang pagtatalo sa kaniyang kapitbahay na lalaki wherein napag-alaman na meron pala silang personal na isyu na prior. Nanlaban yung kanyang kapitbahay doon sa ating suspek at tapos nanlaban naman siya, tumakas na yung suspek natin," ani Chang.

Kusang-loob naman daw sumuko ang suspek na posible umanong maharap sa reklamong homicide at frustrated homicide.