April 18, 2025

Home BALITA Eleksyon

Taytay re-electionist Vice Mayor Pia Cabral, nilinaw na walang sinaktan o minaliit na hayop

Taytay re-electionist Vice Mayor Pia Cabral, nilinaw na walang sinaktan o minaliit na hayop
Photo Courtesy: Pia Cabral (FB)

Naglabas ng pahayag si Taytay re-electionist Vice Mayor Pia Cabral kaugnay sa kumalat niyang video na makikitang tila napagdiskitahan niya ang mga hayop habang nangangampanya.

Sa isang Facebook post ni Cabral nitong Biyernes, Abril 11, humingi siya ng paumanhin sa mga nasaktan o hindi natuwa sa nasabing video.

“Nais ko pong linawin na wala po akong masamang intensyon at wala akong minaliit o sinaktan na hayop. Tinanggal ko na rin agad ang post upang hindi na ito makadagdag sa anumang sama ng loob,” saad ni Cabral.

Dagdag pa niya, “Bilang isang fur-mom nina Sunday, Smart, at Bachi, ang mga alaga ko po ay itinuturing kong pamilya. Ang post ay bahagi lang sana ng masayang pakikipagkulitan ko sa ating mga alaga. Ngunit nauunawaan ko na hindi pala pare-pareho ang magiging interpretasyon ng lahat.”

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Marcoleta; iginiit pagtatanggol sa kaniya noong ‘tinatakot’ OVP

Bukod dito, nilinaw din ni Cabral ang kahulugan umano sa likod ng caption niyang “aso ka lang” sa kumalat na video.

“Isa lamang po itong expression na kahit maraming aso patungo sa ating nasasakupan ay aabutin ko po kayo dahil gusto kong maiparating sa inyo ang aking mga plataporma at mga programa na gagawin. Hindi ako mapipigilan ng anumang tahol dahil mahal ko ang aking mga kababayan,” aniya.

MAKI-BALITA: Taytay re-electionist Vice Mayor Pia Cabral, pinagdiskitahan mga hayop?