April 17, 2025

Home BALITA National

Palasyo, dinepensahan viral 'bleeding gum video' ni PBBM: 'Nothing to worry!'

Palasyo, dinepensahan viral 'bleeding gum video' ni PBBM: 'Nothing to worry!'
Photo courtesy: screengrab from RTVM/Facebook

Siniguro ng Malacañang na wala umanong dapat ipag-alala ang publiko hinggil sa kumakalat na video ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang nagtatalumpati kung saan mapapansin ang dugo sa kaniyang mga ngipin.

Ayon sa ipinaabot na mensahe ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa GMA News Online noong Huwebes, Abril 10, 2025, iginiit niyang nasa maayos umano ang kalusugan ng Pangulo. 

“Nothing to worry po... Kaka-meeting lang po namin kaninang umaga… Wala naman po akong nakikitang hindi maayos ang kalusugan niya,” ani Castro. 

Matatandaang inusisa ng ilang netizens ang nakitang umano’y “dugo” sa babang bahagi ng ngipin ni PBBM sa kaniyang talumpati para sa paggunita ng Araw ng Kagitingan noong Miyerkules, Abril 9.

National

'Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?'—Harry Roque

KAUGNAY NA BALITA: Nakitang 'dugo' sa ngipin ni PBBM habang nagtatalumpati, ikinabahala ng netizens