Muling nagsama-sama ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands upang ipagdiwang ang ika-21 kaarawan ng anak ng dating Pangulo na si Veronica “Kitty” Duterte noong Huwebes, Abril 10, 2025.
Ayon sa ulat ng One News noong Huwebes, kaniya-kaniya umanong bitbit ng pagkain ang ilang Pilipino upang magsalo-salo kasama si Kitty at common law partner ng dating Pangulo na si Honeylet Avanceña.
Samantala, sa pamamagitan ng Facebook post, nagpaabot naman ng pagbati si Sen. Bong Go kay Kitty at ipinaalala na maging matatag daw ito.
“Alam kong hindi madali ang lahat sa ngayon, sa kabila ng mga nangyayari, pero matatag ka, and I know darating din ang panahon na magiging maayos ang lahat. Keep your head up, stay kind and brave — just like you’ve always been,” ani Go.
Matatandaang noong Marso 26, 2025 nang dumating si Kitty sa The Hague, kasama ang inang si Honeylet Avanceña para sa noo’y darating na ika-80 kaarawan ng dating Pangulo sa Marso 28.
KAUGNAY NA BALITA: Honeylet Avanceña, Kitty Duterte nasa The Hague na