April 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kahit nakiusap daw: Claudine Barretto, 'di invited sa kasal ni Claudia

Kahit nakiusap daw: Claudine Barretto, 'di invited sa kasal ni Claudia
Photo courtesy: Claudine Barretto (IG)/via PEP

Nagbigay ng ilang detalye ang komedyanteng si Dennis Padilla hinggil sa pinag-usapang sama ng loob niya matapos maging "guest" lamang sa kasal ng sariling anak na si Claudia Barretto at long-time boyfriend-turned husband na si Basti Lorenzo.

Sa panayam kay Dennis ni showbiz insider Ogie Diaz via phone call at maririnig/mapapanood sa "Ogie Diaz Inspires," sinabi ni Dennis na maging ang tita ni Claudia na si Optimum Star Claudine Barretto ay apektado sa kasalang naganap dahil hindi raw siya naimbitahan dito.

Kuwento ni Dennis, nakiusap daw si Claudine sa kapatid niyang si Marjorie Barretto, ina ni Claudia, na baka puwede siyang magtungo sa kasal para lamang magbigay ng regalo sa pamangkin.

Ngunit binlock daw si Claudine sa Viber kung saan sila nag-uusap ng kapatid.

Tsika at Intriga

Janno Gibbs pumalag, minura mga umookray na 'enabler' siya ni Dennis Padilla

Iyak daw nang iyak si Claudine kinagabihan.

Nakapag-Facebook post pa si Dennis na naka-tag kay Claudine, at sinabing alam niyang masakit sa aktres ang nangyari.

Kinaumagahan, nag-usap daw sila ni Claudine at sinabihan niya itong kahit invited ay magpunta siya.

"Huwag kang matakot, I'll sit beside you," ani Dennis.

Dito ay natanong ni Ogie kung hindi ba okay sina Claudine at Marjorie, subalit wala namang ibinigay na direktang sagot si Dennis. Basta ang alam lamang niya, hindi raw imbitado sa kasal si Claudine. Pero giit nga niya, dapat pumunta si Claudine dahil pamangkin naman daw niya ang ikakasal at siya ay si "Claudine Barretto."

Pero mabuti na lamang daw at hindi na rin tumuloy si Clau dahil mas grabe pa raw ang naranasan niya, na hindi siya ang naghatid sa anak sa altar o wala siyang bahagi sa programa ng wedding entourage.

Kahit daw ang ate ng magkakapatid na Barretto na si Gretchen Barretto ay hindi imbitado sa nabanggit na kasal dahil "giyera" daw sila.

Sa kabilang banda, naniniwala raw si Dennis na hindi kagustuhan ni Claudia ang mga nangyari. Emosyunal na sinabi ni Dennis na nakita raw niya sa mga mata ng anak na hinahanap siya nito at nais nitong siya ang maghatid sa kaniya sa altar. Nalungkot naman si Dennis na hindi na niya mababalikan ang moment dahil tapos na nga ang kasal ng anak.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Marjorie Barretto o maging ng anak na ikinasal na si Claudia hinggil sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'

KAUGNAY NA BALITA: Gene Padilla, dismayado sa pamangkin sa 'di pagsama kay Dennis sa wedding entourage