May 18, 2026

Home BALITA National

ITCZ at easterlies, patuloy na umiiral sa PH – PAGASA

ITCZ at easterlies, patuloy na umiiral sa PH – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy pa rin ang pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies sa bansa ngayong Huwebes, Abril 10, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa ulat ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdudulot ang ITCZ, o ang linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres, ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, Davao de Oro, at Davao Oriental.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, malaki ang tsansang magdudulot ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.

National

Bilang dating PNP chief: Palasyo, naniniwalang mas magandang sumuko na si Sen. Bato

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).