April 18, 2025

Home BALITA Eleksyon

Dahil di pabor sa same sex marriage: Heidi Mendoza, ekis na kay Sassa Gurl

Dahil di pabor sa same sex marriage: Heidi Mendoza, ekis na kay Sassa Gurl
Photo courtesy: Sassa Gurl at Heidi Mendoza/Facebook

Binawi ni Sassa Gurl ang suporta niya kay aspiring senator Heidi Mendoza dahil sa usapin tungkol sa same sex marriage.

Sa kaniyang X post noong Martes ng gabi, Abril 8, 2025, hiniling ni Sassa ang suporta ng publiko sa naturang desisyon.

"Iginagalang ko po ang tindig ni Mam Heidi Mendoza hinggil sa usapin ng marriage equality kaya ikinalulungkot ko pong ipinapaalam na binabawi ko po ang aking suporta. Hiling ko rin po ang inyong pang-unawa sa aking naging desisyon. Paumanhin at pasasalamat po sa inyo," anang social media personality.

Usap-usapan sa social media ang video na kumakalat kung saan ibinahagi ni Mendoza ang hindi niya pagsuporta na isulong ang same sex marriage sa bansa kung palarin siya sa Senado.

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Marcoleta; iginiit pagtatanggol sa kaniya noong ‘tinatakot’ OVP

“Lahat ay may karapatan magmahal. Subalit, ang tunay na pagmamahal marunong kumilala at gumalang ng institusyon. Sa family code magkakaroon tayo ng hindi pagsasang-ayon,” ani Mendoza.