April 17, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Richard at JK, muntik magsapakan dahil kina Daniel at Kyle?

Richard at JK, muntik magsapakan dahil kina Daniel at Kyle?
Photo courtesy: Richard Gutierrez, JK Labajo, Kyle Echarri, Daniel Padilla (IG)

May tsika ang batikang showbiz insider na si Cristy Fermin hinggil sa pinag-usapang kamuntikan nang magrambulan sina Daniel Padilla at Kyle Echarri sa naganap na after-party ng ABS-CBN Ball noong Biyernes, Abril 4.

Nagsusulputan ang iba't ibang bersyon tungkol dito, na ang sabi, hindi raw nagustuhan ni Daniel ang pagiging touchy ni Kyle sa ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo, kaya nang magpang-abot ang dalawang Kapamilya stars ay nagkainitan sila. Umawat naman daw sa kanila sina JK Labajo at Richard Gutierrez.

Sa "Cristy Ferminute" noong Lunes, Abril 7, iba naman ang bersyon na inilahad ni Cristy, na mula naman sa isang source. Kontra sa mga naunang lumabas na tsika, si Kyle daw ang unang lumapit kay Daniel na noon ay nananahimik lamang daw.

"Meron silang pinag-usapan na parang tumigas ‘yong salita no'ng Kyle kay Daniel. Tahimik si Daniel, ha?" sey ni Cristy.

Tsika at Intriga

Andre Paras, niresbakan content creator na minalisya ang kapatid niya

"May umaali-aligid, si JK Labajo, si JK. Panguso-nguso na para bang ‘Upakan mo na, upakan mo na!’ Parang gano'n. Miron! Ang nangyari, nakita ni Richard Gutierrez ‘yong ginagawa ng dalawa kay Daniel na nananahimik. Anong inaasahan mo na gagawin ni Richard? Natural, aawat, ‘di ba?”

"Alam mong ginawa sa kaniya ni JK Labajo? ‘Bakit ka nandito? Anong gusto mo?’ Ay... hinamon ng suntukan. Ang tapang! Si Richard Gutierrez... mga Kapatid, kailangan pa ba naming ilarawan sa inyo kung gaano kagaling sa action scenes itong si Richard Gutierrez?"

Mabuti na lamang dw at nagsidatingan na ang mga security personnel at inawat na sila.

Subalit hindi pa raw natapos dito ang gusot, dahil umakyat na raw sa itaas ng Skybar ang grupo nina Richard. Umakyat daw si Kapamilya star at Ultimate Heartthrob Piolo Pascual kaya sumunod umano sina Kyle at JK dahil magkakatropa sila. Lumapit pa raw si Kyle sa ina ni Richard na si Annabelle Rama at sinabing idol daw niya ang anak nito.

"Ang bilis daw ng pangyayari ayon sa aking source. Nakalusot ‘yong JK Labajo, lumapit kay Richard Gutierrez at kunwa-kunwaring nagso-sorry pero pangisi-ngisi. Hinamon ulit si Richard."

“O, di nakita niya ang gusto niyang makita, ‘di ba? O, nasapol siya sa may ulo, nasapol siya,” giit ni Cristy.

“Ay, nagpang-abot talaga din!” segunda pa ni Romel Chika.

"Oo, eh natural, na-off balance pa nga si Richard, si Tita Annabelle nga, napaupo pa do'n sa kaniyang silya. Ang bilis ng pangyayari dahil tumakbo raw ‘yong JK Labajo pagkatapos ng gulo na ‘yon. Nasagasaan niya si Tita Annabelle. ‘Yon ang kuwento.”

Sey ni Cristy, sa pagkakakilala raw niya kay Richard ay never itong nagsimula ng gulo pero huwag lamang hahamunin at hindi ito uurong, gayundin naman si Daniel kahit na isa siyang "Padilla."

Kay Kyle naman daw, kung may balak siyang komprontahin kay Daniel, mali ang venue dahil ang ABS-CBN Ball ay isinagawa upang magkaroon ng bonding ang Kapamilya artists sa isa't isa, habang si JK naman daw ay may history na umano talaga ng pagiging "basagulero" ayon na rin sa bibig ni Cristy.

Pero ang naloloka raw si Cristy, mga nagsisimula pa lamang daw sa showbiz sina Kyle at JK pero ganoon na raw kung makaasta.

"Nakakalungkot na, itong si JK Labajo, itong si Kyle Echarri, ano ba, umuusbong pa lang ang mga karera n'yo! Ano ba ito? 'Di ba? Nakakaloka kayo," pahayag ni Cristy.

Nilinaw rin ni Cristy na hindi raw si Kathryn ang puno't dulo ng away, dahil ang totoo raw, ni hindi raw hinanap ni Daniel kung nasaan ba ang ex-GF nang mga sandaling nagaganap ang ball.

"Out si Kathryn dito," saad pa ni Cristy.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng mga nasasangkot na aktor sa nabanggit na gulo. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

KAUGNAY NA BALITA: JK Labajo, binuyo si Kyle Echarri na upakan si Daniel Padilla?