Masayang nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr, sa 39 na bagong star-ranked officers ng Philippine National Police (PNP).
Sa pangunguna ni PBBM, isinagawa ang oath-taking sa Malacañang noong Lunes, Abril 7.
"Binabati ko ang 39 na bagong star-ranked officers ng PNP. Kasabay ng promosyon na ito ay ang mas mabigat na pananagutan—na maging huwaran ng integridad, propesyonalismo at tapat na paglilingkod sa sambayanang Pilipino," aniya sa kaniyang Facebook post.
"Ang tagumpay na ito ay tagumpay rin ng inyong mga pamilya na patuloy na sumusuporta sa inyong paglilingkod."
Kasama naman si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Nicolas Torre III sa 39 na mga pulis na tumaas ang ranggo.
MAKI-BALITA: CIDG chief Nicolas Torre, na-promote; Police Major General na!
Ayon sa Palasyo, sa naturang PNP officers ay apat sa mga ito ang Police Lieutenant Generals, 11 ang Police Major Generals at 24 ang Police Brigadier Generals.