April 17, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kris sa mga sakit niya: 'Slowly I am learning to leave everything to God’s will'

Kris sa mga sakit niya: 'Slowly I am learning to leave everything to God’s will'
Photo courtesy: Kris Aquino (IG)

Sinabi ni Queen of All Media Kris Aquino na kahit mahirap iproseso o isipin ang kaniyang kalagayan ngayon sa kalusugan, ipinagpapasa-Diyos na lamang daw niya ang lahat, ayon sa "God's will."

Matatandaang noong Lunes, Abril 6, ay nagbigay ng health updates si Kris sa Instagram post niya.

Dito ay sinabi ni Kris na lima sa siyam na autoimmune diseases niya ay puwedeng maging dahilan ng pagkamatay niya.

"Yesterday i had my PICC line changed, contrary to what you may assume, i am NOT a 'diva' patient. I asked vascular surgeon Dr. James which hospital he was most comfortable to do my PICC Line change in and he chose Makati Med," saad niya sa kaniyang Instagram post.

Tsika at Intriga

Andre Paras, niresbakan content creator na minalisya ang kapatid niya

"My medical team has grown because my diagnosed autoimmune diseases have now grown to 9. 5 of them can cause my death."

"That has been hard to process. But slowly i am learning to leave everything to God’s will because He knows best," aniya pa.

MAKI-BALITA: Lima sa siyam na autoimmune disease ni Kris Aquino, puwede niyang ikamatay

Samantala, pinagsabihan naman si Kris na huwag nang magbigay ng updates patungkol sa naging relasyon nila ng ex-boyfriend na si Dr. Mike Padlan, at magpokus na lamang daw sa pagpapagaling at pamamahinga. 

MAKI-BALITA: 'Please choose your battles!' Kris pinagsabihang magpagaling, 'wag na kumuda tungkol sa ex-jowa