April 17, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'I did!' Bela Padilla, umaming inunfollow niya sina Kyle Echarri, Piolo Pascual

'I did!' Bela Padilla, umaming inunfollow niya sina Kyle Echarri, Piolo Pascual
Photo courtesy: Bela Padilla, Kyle Echarri, Piolo Pascual (IG)

Nakarating sa kaalaman ng aktres na si Bela Padilla ang pang-iintriga sa kaniya ng isang netizen sa X na umano'y inunfollow niya sa Instagram ang Kapamilya stars na sina Kyle Echarri at Piolo Pascual.

Ibinahagi pa mismo ni Bela sa kaniyang X account ang X post ng netizen na tila nang-iintriga sa kaniya.

"Just in: Did Bela Padilla unfollow Kyle Echarri and Piolo Pascual?" mababasa rito.

Niretweet naman ito ni Bela at sa kaniya na mismo galing ang kumpirmasyong totoo ito.

Tsika at Intriga

Andre Paras, niresbakan content creator na minalisya ang kapatid niya

Pero wala raw silang hidwaan dahil "naglinis" lang daw talaga siya ng social media account at sinabihan naman daw niya si Kyle tungkol dito.

"I did! I woke up one day and I was following around 7,000 people. So now, I’m trying to declutter by bringing my following down to zero slowly and then will follow my friends back one by one after :) I was just talking to Kyle about this last night ," aniya.

Nang tanungin ng isang netizen na akala raw niya ay may hidwaan sila ni Papa Pi o Piolo, "Never! He’s one of my most trusted friends in our industry. "

"Oh I know, I just don’t like fake news. " paliwanag pa ng aktres, kung bakit kinailangan pa niyang mag-explain.

Nakasanayan na kasi na pati ang pag-unfollowan sa social media accounts ng mga artista ay nagbabadya o nagpapahiwatig na may "gap" o hindi pagkakaunawaan sa isa't isa, kaya "big deal" ito sa mga marites.

Kung mag-jowa naman ang nag-unfollowan, karaniwang indikasyon ito ng hiwalayan o on the rocks ang relasyon nila.