Usap-usapan sa social media ang hinaing ng isang furparent sa ginawang paninita umano ng isang lalaki sa alaga niyang aso.
Sa isang Facebook group na “DOG LOVER PHILIPPINES” noong Lunes, Abril 7, mababasa ang post ng furparent.
Ayon sa kaniya, sinita raw siya ng isang lalaki sa SM Fairview dahil walang suot na diaper ang furbaby niya.
“Dinala ko sa mall ang baby dog ko WITHOUT diapers. Are humans required to wear diapers? Then why are dogs required to wear diapers?” saad ng furparent.
“If your establishment is TRULY pet friendly, you wouldn't require them to wear diapers,” pagpapatuloy niya. “Many pets feel uncomfortable wearing diapers.”
Dagdag pa niya, "I told him Poop and Pee is NORMAL. Sinigawan ko talaga siya kasi sobra naiinis ako. Kung maka-react parang ngayon lang nakakita ng tae at ihi. HUWAG KAYO MAGMALINIS.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post matapos nitong maitampok sa Facebook page ng Follow The Trend Movement (FFTM) . Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Hirap mo ipagtanggol, lalo na’t katangahan mo ang pinaiiral."
"Kaya minsan di natin ma blame mga ibang establishments na ipagbawal ang furbabies natin sa mga public places/establishments e,mga feeling entitled na may mga alaga. If you're a furmom, I'm sure maintindihan nio ibig Kong sabihin"
"Girl is giving me "Pusuan or Laruan" participant vibes "
"Yung mas matino pa yung aso kesa sa owner"
"Ito ung klase ng tao na walang common sense."
"HAHAHAHA sa MOA may nakita kami mukhang rich genz tito and tita vibes, tapos yung aso nila tumae sa lapag, nakita nila pero patay malisya. For sure ganito yung mindset nun. HAHAAHHA"
"At sya pa yung matapang nian "
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, burado na ang orihinal na post sa naturang Facebook group ngunit kalat na ang screenshot nito.
