April 08, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'Wala pa gumagawa nito!' FDCP chair pinuri gobyerno, bumili ng restoration machine

'Wala pa gumagawa nito!' FDCP chair pinuri gobyerno, bumili ng restoration machine
Photo courtesy: Screenshot from Bilyonaryo News Channel (TikTok)/Katrina Ponce Enrile (FB)

"First time ito!"

Pinuri ng chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Direk Jose Javier Reyes ang pamahalaan, lalo na si First Lady Liza Araneta-Marcos, dahil sa kauna-unahang pagkakataon daw, bumili ang pamahalaan ng restoration machine para ma-restore at panatilihin ang mga lumang Filipino movie na maituturing na klasiko.

Sa panayam kay Reyes sa programa ng "Bilyonaryo News Channel" na "At The Forefront" ni Atty. Karen Jimeno, hayagang sinabi ng FDCP chairman na huwag daw isipin ng mga tao na walang ginagawa ang gobyerno pagdating sa film industry, dahil first time daw nangyari ang pagbili ng restoration machine at naisakatuparan lang daw ito sa panahon ni PBBM.

"Huwag ninyong akalaing walang ginagawa ang gobyerno, okay, sa pag-uuplift ng pelikulang Pilipino. Bakit? May sabihin ako sa inyo. For the first time itong pamahalaang ito, nagbigay ng pera para makabili ng restoration machine, okay, para dito ma-restore ang mga Filipino movies," paliwanag ni Reyes.

Pelikula

Direk Joey pinuri si FL Liza, nakiusap sa mga Pinoy na 'pagbigyan pelikulang Pilipino'

"Wala pang gumagawa nito! Yung iba puro 'abla' 'abla' 'abla' pero ang gusto ko ngayon lalong-lalo na sa ginagawa ng First Lady (Liza Araneta-Marcos), is she's putting her money where her mouth is. Okay? And she wants action..." dagdag pa niya.

Nakiusap din si Reyes na "pagbigyan naman ang pelikulang Pilipino" bago "matahin."

Matatandaang present sa naganap na Manila International Film Festival (MILF) noong Pebrero si FL Liza na dinaluhan ng mga sikat na artista ng bansa, na ginanap sa Los Angeles, California, US.