Ipinagtanggol ng komedyanteng si Chad Kinis ang kaniyang kaibigan at kasamahan sa "Beks Battalion" at "It's Showtime" host MC Calaquian matapos ikumpara kay Lassy Marquez, at tinawag pang "tamad" at "walang pangarap."
Ibinahagi ni Chad sa kaniyang Facebook post ang screenshot kung saan mababasa ang komento ng basher laban kay MC. Saad ng netizen, mas bet daw niya si Lassy dahil may naipundar na hindi gaya ni MC na "tamad" at "walang pangarap sa buhay."
Mababasa naman ang pagtugon ni Chad sa nabanggit na netizen. Aniya, hindi porke't walang ipinakikita sa vlog, ay wala nang naipundar.
Baka raw magulat ang basher kung sino sa kanilang tatlo nina MC at Lassy ang pinakamayaman.
Giit pa ni Chad, ayos lang naman na mas bet ng netizen si Lassy kaysa kay MC subalit wala raw siyang karapatang husgahan at pagsalitaan ang iba.
Ani Chad, "Yung mga ganitong klaseng basher na akala mo alam na alam ang personal na buhay ng ibang tao. Kung wala kang alam try mo magresearch."
"Ayos lang naman na ayaw mo sa isa samin or isa lang ang gusto mo sa amin pero hindi ibig sabihin niyan may karapatan ka na sabihan ang iba na walang pangarap at tamad. ANONG ALAM MO?"
"Kung nagresearch ka at talagang 'FAN' ka ni Lassy alam mo kung paano siya sinuportahan at tinulungan ni MC para maiayos din ang lahat sa buhay niya MULA NOON HANGGANG NGAYON! Mahal ko ang dalawang yan. Kaya OO PAPATOL AKO! Lalo na sa mga epal na ganito!"
Sa comment section naman ay mababasa naman ang reaksiyon at komento rito ni Lassy.
"Grabe naman. Wag ganon pls. Magkakaibigan kami. si mc kaibigan ko more than 20 years na. Si chad more than 15 years na. Ginabayan nila ako para makamit ko kung ano meron ako ngayon. Nagtutulungan kami at nagmamahalan. kaya maayos ang buhay namin ngayon."
"Nakakalungkot lang kasi nagkakaron ng issue dahil sa estado namin ngayon. Sa totoo lang ako ang least kung ano ang meron ako ngayon and thankful ako sa mga kaibigan ko. Salamat sa mga nagmamahal sa beks battalion at maraming salamat sa totoong nagmamahal sa amin at kilala kami ng lubusan."
"Vlogger kami kaya kami nag a-update sa mga nangyayari sa amin. Noong nabaha ang bahay namin may mga Hindi rin magandang nasabi sa akin na nagpapaawa daw ako kesyo manghihingi daw ako masakit sakin yun kasi Hindi nyo alam ang totoo at mangyayari."
"Kaya wag natin pangunahan ang mga pangyayari. Alamin ang katotohanan. Kung alam nyo lang kung ano ang meron si chad at mc. Pls. Love love love lang and maging masaya lang sana tayo," aniya pa.