Usap-usapan ang palitan ng komento nina Kapamilya star Andrea Brillantes at Kapuso star Heart Evangelista sa Instagram post ng una kung saan pinasalamatan niya ang huli.
Pareho kasing dumalo sa pinag-usapang ABS-CBN Ball sa Solaire Resort North ang dalawa, noong Biyernes, Abril 4.
Hindi man nagsuot ng tipikal na long gown o cocktail dress, usap-usapan pa rin ang pagrampa sa red carpet ng Kapamilya star.
Naiiba sa iba pang female celebrities ng Kapamilya Network at ilang Kapuso Network, nagsuot lamang ng simple subalit eleganteng white tuxedo si Blythe at itinali ng ponytail ang kaniyang buhok; pasabog din ang kaniyang pa-cleavage na halos magpaalagwa sa kaniyang boobey.
Isa pa sa kapansin-pansin, ang kaniyang luxury serpenti necklace at ilan pang mamahaling accessories.
Sa Instagram post ni Andrea noong Abril 4, pinasalamatan niya ang kaniyang glam team magmula sa gumawa ng kaniyang outfit, hair and make-up, at sa iba pang personal assistant.
Panghuli, nakahiwalay niyang pinasalamatan si Heart subalit hindi naman niya tinukoy kung tungkol saan ito, bagama't sumagot naman si Heart.
"anytime ," anang Mrs. Escudero.
Umani naman ito ng reaksiyon at komento mula sa netizens. Hindi kasi makapaniwala ang mga netizen na may "ugnayan" pala sa isa't isa sina Andrea at Heart. Hula rin nila, ang ipinagpapasalamat ni Blythe kay Heart ay ang serpent necklace na suot-suot niya.
"Such a supportive Queen!"
"wow bait nmn ni Mrs heart"
"thank you Miss Heart grabe sobrang mahal nong necklace nayon"
"pahiram din be"
"we love you heart!"
KAUGNAY NA BALITA: Andrea Brillantes, hindi nag-gown pero pasabog at nangabog sa ABS-CBN Ball