Pinusuan ng mga netizen ang Kapamilya comedy star-TV host na si Melai Cantiveros matapos niyang i-flex ang birthday photoshoot sa kaniyang Instagram post.
Ang tema ng pasabog niya sa birthday niya: mala-calendar girl lang naman ng tuba!
Sey pa ni Momshie Melai, hindi lang sina Kathryn Bernardo at Ivana Alawi ang magaling sa mga sexy pose na ginawa niya.
"Akala nyu @bernardokath and @ivanaalawi kayu lang magaling sa ganitu na posing???????? . Tama ang akala nyu kayu lang tlaga kasi pangit ng kalabasan ko dtu hahahaha This is my Birthday Bash Post , totoong bash tlaga makukuha ko dtu Pero shout out jan sa mga Kuantie and mga Momshie na ready ang Tuba at Bahalina sa Bday na may kasamang chismisan pa The BestHappy Bday To Me , #AprilFoolsBdayToMe #TubaChronicles
Thank you sa mga following na nabudol ko sa pictorial natu," aniya.
Pero hindi naman bash ang nakuha niya dahil aprub na aprub sa kapwa celebrities at netizens ang kaniyang paandar.
Kahit nga si Ivana, napakomento rito.
"HAPPY BIRTHDAY!!! WALA NA TINAPOS MO NA ANG LABAN," aniya.
Ang tuba ay isang inuming nakalalasing na gawa mula sa katas ng niyog. Karaniwang iniinom ito sa Pilipinas at iba pang mga tropikal na lugar, at may iba't ibang paraan ng pagluto depende sa lokal na tradisyon. Bukod sa pagiging inumin, maaari ring gamitin ang tuba sa pagluluto.