Pumalag ang dating karelasyon ng Kapuso comedy actor at host na si Buboy Villar, na si Angillyn Gorens, matapos ang naging panayam ng una sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan.
Matatandaang muling nilinaw ni Buboy kay Boy Abunda na hindi niya sinaktan ang dating karelasyon, taliwas sa akusasyon nito sa kaniya sa pamamagitan ng Facebook post noong Marso 26.
Nauna nang nagsalita si Buboy tungkol dito sa panayam naman ni GMA showbiz news reporter Nelson Canlas at pinabulaanan ang pananakit niya sa dating partner.
MAKI-BALITA: Buboy Villar, nagsalita sa akusasyong sinasaktan ex-partner kaya nilayasan
Sa panibagong Facebook post ni Angillyn, Linggo ng madaling-araw, Abril 6, tinawag niyang "napakasinungaling" si Buboy.
Bukod dito, isa pang mabigat na paratang ang kaniyang ipinukol laban sa dating karelasyon.
Mababasa sa kaniyang Facebook post, published as is, "buboy villar.. 1 week ka nag practice ng script?? ginagawa mo pako sinungaling at baliw? nakakalimutan mo na bang sinasaktan moko lalo pag wala kang marijuan4??"
"galit na galit ka at wala ka sa ayos. pag wala kang ganon nag aaway tayo kasi panahon ni duterte natatakot ako na matokhAng ka. ideny mo ha?hahaha . and last DAHIL NAPAKASINUNGALING MO," aniya.
Nag-react din si Angillyn hinggil sa isyu ng sustento ni Buboy sa kanilang anak.
"kelan ka nag bigay ng 120k?? gusto ko icomment mo dito or ipost mo yung proof mo na nag bigay ka ng 120k na sustento. 10th at 25th ng month SABI MO tag 60k binibigay mong sustento at nagkakahalagang 120k SABI MO YAN SA INTERVIEW malinaw na malinaw hahaha bakit hindi mo rin na mention na 1 and a half YEAR 0 pesos binigay mo at napakarami mong utang sa mama ko na sinasabi mo babayaran mo pero di na pinabayad sayo nagmumuka kaming pera sayo kapal ng mukha mygoodness," aniya pa.

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang kampo ni Buboy Villar hinggil sa post na ito ni Angillyn.